HATAWAN
ni Ed de Leon
BAKIT parang bantulot si Kristine Hermosa nang sabihin sa kanyang gusto siyang makasamang muli sa pelikula ni Jericho Rosales?
Wala kaming matandaang dahilan o baka naman hindi lang namin alam dahil sa totoo lang hindi naman namin nasubaybayan ang career niyang si Kristine. Nasundan lang naman namin iyan nang magkaroon sila ng controversy noon ni Diether Ocampo na pinakasalan niya at matapos lamang ang ilang linggo ay hiniwalayan na niya at nag-file siya ng annulment sa kanilang kasal.
Ang tsismis naman noon, nangyari iyon dahil sa kanyang career. Eh wala na rin namang nangyari sa kanyang career noon hanggang sa ang sumunod na balita ay nagpakasal siya kay Oyo Boy Sotto.
Pero noong araw may balita ring naging magsyota talaga sina Krsitine at Jericho. Ewan lang kung ano ang nangyari dahil hindi naman namin nasundan ang kuwento nila.
Pero sa tono ng salita ni Kristine, mukhang ayaw pa niyang makasama ngayon sa poject si Jericho.