Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andres Muhlach

Andres Muhlach hindi pa nagkaka-GF since birth (Choosy kaya?)

HATAWAN
ni Ed de Leon

NO girlfriend since birth. Iyan ang deklarasyon ni Andres Muhlach tungkol sa kanyang sarili. Ano nga ba ang aasahan ninyo eh namuhay naman ng tama ang mga batang iyan at naging seryoso sa kanilang pag-aaral. Ngayon nga lamang nagbabago ang ikot ng kanilang mundo dahil napasok na sila sa showbusiness.

Hindi naman kailangang magmadali si Andres. Iyang tipo namang iyan ay hindi maghahabol ng mga babae, siya ang hahabulin ng mga babae.

Ngayon nga lang eh, ilan na ba iyong mga artista na gustong ma-link kay Andres? At ilang models din ang may ambisyong mapansin sila ni Andres? Mukha ngang masasabing siya ang dreamboy ng kasalukuyang henerasyon.

Pero mukhang hindi naman magmamadali si Andres sa mga bagay na iyan. Marami pa siyang priorities bukod sa kanyang nagsisimulang career. At sabi nga ng ilan, mukhang choosy ang poging anak ni Aga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …