Tuesday , May 21 2024
Andres Muhlach Lucho Agoncillo Donny Pangilinan

Andres at Lucho napakalakas ng dating Donny poor third

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGANG buo ang paniniwala nilang nakakita na naman sila ng isang gold mine nang mapansin ng kaunting mga tao si Donny Pangilinan. Akala nila siya na ang susunod na male superstar na kailangan nila lalo na nga’t nadiskaril na si Daniel Padilla nang iwanan ni Kathryn Bernardo. Nawala na rin si Enrique Gil at nag-flop pa ang pelikula matapos iwanan ni Liza Soberano na ang pangarap pala ay maging isang Hollywood star. Talagang ang pag-asa nila ay si Donny na lang na akala nila ay tuloy-tuloy na. Pero ngitngit ng malas, isipin mo bang ang pelikula niyon na ang producer ay mismong tatay niya ay na-reject pa ng Metro Manila Film Festival (MMFF), at nang ipalabas naman sa sinehan pagkatapos ay naghilahod sa takilya.

Pero baka puwede pang ibangon ang career ni Donny sabi nila, “tutal wala pa namang baguhan na maaaring sumikat din.”

Eh kung kailan nila inaasahang mahahango pa nila si Donny dahil mayroon ngang nalikhang void at saka naman biglang sumulpot si Andres Muhlach na hindi pa man pumapasok sa showbusiness ay inaabangan na ng maraming fans.

Mukhang hindi pa sapat na nariyan si Andres biglang nakita rin nila si Lucho Agoncillo na sinasabi nilang tanging may karapatang itapat kay Andres. Saan na ngayon pupuwesto si Donny?

Kung sa bagay matalino namang bata iyan kaya nga sinasabi ring bukod sa pagiging isang artista ay isa rin siyang financial adviser at real estate agent. Palagay namin dapat doon na muna niya ibuhos ang kanyang panahon. Palipasin muna niya ang napakalakas na dating nina Andres at Lucho kung hindi baka siya ang maging poor third at lalong mas mahirap na bumawi. Si Tito Pip lang ang “third” na sumikat talaga. Isa pa, wala rin naman kaming narinig na positive feedback sa kanyang pag-arte maliban sa mga press release na galing din sa kanila.

Sa ngayon mukhang ang uugong nga nang husto ay sina Andres at Lucho. Maski nga iyong Mavy at Cassy Legaspi natabunan na. Lalo naman ang good friend nilang si Darren Espanto. Na nakasama pa sa isang show na pang-comedy bar lang ang dating eh ano ang mangyayari sa kanya roon?

About Ed de Leon

Check Also

Wize Estabillo

Bidaman Wize Estabillo pupunta ng Japan para sa PhilExpo 2024

MATABILni John Fontanilla MUKHANG sinusuwerte ang Kapamilya actor & It’s Showtime host na si Wize Estabillo dahil bukod sa …

Piolo Pascual Vince Tañada Ricky Lee Himala The Musical

Piolo napiling gumanap na Orly sa Himala: The Musical

HARD TALKni Pilar Mateo BLOODY, gory and gruesome. Ito ang pagsasalarawan ng nagtatag ng  Philstagers Productions na …

TEAM muling magbibigay-tulong sa Child Haus

TEAM muling magbibigay-tulong sa Child Haus

HARD TALKni Pilar Mateo INIHALAL na ng bagong sibol na grupo ng media practitioners ng …

Andrea Brillantes Kyle Echarri Glenda dela Cruz

Andrea, Kyle, Brilliant Skin Essentials nagpasaya sa Bora

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISANG Summer event ang isinagawa ng Brilliant Skin Essentials sa Boracay Island …

Vilma Santos Bryan Dy Antoinette Jadaone Dan Villegas

Vilma Santos, Bryan Dy ng Mentorque gagawa ng pelikula

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KOMPIRMADONG na-enjoy ni Ms Vilma Santos ang muling pag-arte kaya naman pagkatapos ng When …