Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Louise Abuel

Scandal video raw ni Louise Abuel ‘pinagkakaguluhan’

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAAAWA kami sa dating child star na ngayon ay teenager na, si Louise Abuel. May hitsura iyong bata at mukhang mabait naman, ipagpatawad ninyo hindi kami makapag-comment kung magaling siya dahil hindi pa namin siya napapanood bilang actor sa pelikula o sa telebisyon.

Pero nakalupit ng social media at kumakalat pa ang sinasabing isang scandal na kanyang ginawa. Iyang mga scandal na iyan ay talagang kalat sa internet at pinagkakakitaan ng iba. Inimbestiagahan namin kung saan ba galing iyan.

Ang isang common lalo na sa mga artista iyong naniwala na ang kanilang ka-chat ay totoong magagandang babae na siya nilang nakikita sa screen ng kanilang cellphone. Hindi nila alam na iyon ay video nga lamang at hindi totoong may taong nakikipag-video call sa kanila. Mga video iyon o AI, tapos ang nasa kabilang linya ay isang taong nagre-record sa kanilang sex chat. Iyan naman ang mga kumakalat sa internet, marami na kaming nakitang biktima ng ganyang modus.

Mayroon namang raket talaga na sila ay nagpapakilalang mga “content ceator” pero ang ginagawa nila ay sex videos ng kanilang sarili. Karamihan ay mga lalaki na nagbebenta ng kanilang sex videos sa mga bading. Ang bayad diyan ay mula P200-P300 kung ibinebenta ng maramihan. Kung sinasabing exclusive lang para sa isang bibili, ang bayad ay mula P500-P2,000  kung mahaba iyon o kung gaano kahalay.

Ang masasabi lang namin, huwag ninyong tangkilikin ang ganyang mga modus, kasi bukod sa hindi tama, tinuturuan pa ninyo silang magsamantala sa inyong kapwa. Maawa rin naman kayo sa mga artista lalo sa mga kabataan na kanilang nabibiktima, na ipinagbibili sa inyo ang video. Kung mapasahan naman kayo ng ganoong video sana ay huwag na ninyong ikalat.

Nakaaawa naman ang mga biktima, at nakaaawa rin kayo dahil natuturingan kayong mga mahahalay na mamboboso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …