Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Atasha Muhlach

Atasha ‘di malayong tanghaling pinaka-magaling, pinaka-sikat na artista

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAPANSIN lang naming iyang si Atasha Muhlach na sinasabing hindi siya masyadong nahilig sa social media dahil nang bigyan naman siya ng cell phone ay 17 years old na. Aba eh napakarami namang gumawa ang account para sa kanya. Lahat ng gawin niya sa telebisyon kumanta man o sumayaw, tiyak na posted sa social media. Hindi siya mismong gumagawa niyon kundi ang kanyang fans. At makikita mo naman ang mga comment, puro ang sinasabi ay “ang ganda” “ang bait” at “talagang magaling si Tash”.

Aba sa ngayon ay walanag artstang babae na napapansin ng ganyan. Kahit na ang nanay niyang si Charlene Gonzales hindi naman nakatawag ng ganyang pansin noong araw. Malakas talaga ang dating ni Tash.

Huwag nga lang magkakamali ng diskarte sa career iyang batang iyan, iyan ang tatanghaling kasunod na pinaka-magaling at pinaka-sikat na aktres at hindi isang star lamang. Dahil naroroon na si Tash hindi na napapansin kung mayroon mang unti-unti nawawala sa Eat Bulaga. Number three na ngayon si Tash sa aming listahan ng aming pinaka-magagandang aktres. Sa listahan namin ay kabilang si Ate Vi (Vilma Santos), who has remained beautiful and sexy at 70, tapos si Sunshine Cruz na napakaganda pa rin, at ngayon nga si Atasha Muhlach.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …