Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andres Muhlach Atasha Muhlach

Andres Muhlach ipapasok na sa Eat Bulaga!

HATAWAN
ni Ed de Leon

AYAN, ngayon ay pinalalabas na kasalanan ng TVJ kung bakit mawawalan ng trabaho ang mahigit na 200 manggagawa ng TAPE Inc.. Kung hindi raw kasi umalis ang TVJ, o hindi nila binawi ang titulong Eat Bulaga kahit na sa kanila naman talaga iyon, hindi sila mapupunta sa Tahanang Pinasara. May trabaho pa sana sila.  

Pero bakit TVJ ang sisisihin nila? Hindi ba ang TAPE Inc. ang gustong alisin na ang TVJ sa show? Natural humanap sila ng bagong trabaho. Hindi rin ba kahit na ipinipilit pang gamitin ng TAPE ang Eat Bulaga at nagbanta pang idedemanda ang TVJ basta ginamit nila iyon, lumayas na naman ang mga sponsor sa kanila dahil wala silang kadating-dating pati ang katulong sa pagtitinda ng pares ay ginawa pa nilang contestant at pinapanalo?

Natural kung saan naniniwala ang mga sponsor na maieendoso ng mas mahusay ang kanilang negosyo, roon sila. Palibhasa ay alaskador si Joey de Leon, kumuha rin sila ng isang alaskador na host, kaso iba ang pang-aalaska niyon. Inaanakan lang ang babae tapos hindi nagsusustento sa mga anak.

Dahil dating Senate President si Tito Sen, kumuha naman sila ng isang talunang presidentiable. Kinuha nila si Cassy Legaspi dahil sa paniwala nilang mipantatapat kay Maine Mendoza. Eh nakuha naman ng TVJ si Atasha Muhlach, eh ‘di butata na naman sila. 

Hintayin ninyo baka pumasok na rin si Andres Muhlach sa Eat Bulaga dahil may kontrata na rin siya sa TV5. Bukod doon, naka-simulcast na ngayon ang Eat Bulaga sa RPN 9 na napakarami ring provincial stations. Paano pa nilang tatalunin iyan, eh kung nasa isang 50KW station nga lang sila na iilan ang provincial relay pinakamataas pa rin sila sa rating ng tatlohg noontime shows. Eh ngayon pa bang napapanood na silang muli mula Aparri hanggang Jolo?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …