ni Ed de Leon
IBA naman ang raket ng isang male contest winner. Muntik na niyang mabiktima ang isang showbiz gay.
Sinabi niyon sa bakla na luluwas siya sa Maynila at payag siyang makipag-date sa halagang P5K, kaya lang wala raw siyang pampakarga ng gasolina sa kotse niya para makabiyahe. Pero kung sasagutin daw iyon ng gay, at padadalhan siya sa kanyang GCash ng P2K talagang pupunta naman siya.
“At dadalhin kita sa langit,” pangako pa niya sa bading.
OK na sana sa bading eh, pero may kakilala siyang nagsabi sa kanyang huwag magpadala ng pera dahil oras na makuha na ng lalaking contesero ang pera, iba-block na siya at hindi sisipot.
Sinabi rin ng source na kilala niya ang lalaki at mas bakla pa raw iyon kaysa bading.
Hindi na nga nagpadala ng datung ang showbiz gay at hindi natuloy ang scam sana sa kanya.