Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Marian Rivera Dingdong Dantes

Marian hawak na raw ang box office record

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANO kaya iyong pinalalabas nilang si Marian Rivera na raw ang box office record holder dahil kumita ang pelikula niya ng mahigit na P800-M? ‘Di ba sila rin ang nagsabi noon na ang pelikula ni Kathryn Bernardo ay kumita ng P1-B kaya siya na ang biggest grosser of all time?

Ibig ba nilang sabihin kung totoo ang sinasabi nila ngayon tungkol sa pelikula ni Marian ay nag-padding lang sila noong sabihin nilang kumita ang pelikula ni Kathryn ng P1-B?

Naniwala pa naman kami roon, kasi noong gusto naming panoorin ang pelikula ni Kathryn , ilang beses kaming nagtangka hindi kami makapasok sa sine, laging puno. Wala pang pandemic noon ha. At nagsimula iyon sa maraming sinehan na agad, wala pang kalaban. Itong pelikula ni Marian, maraming kasabay at kumita rin namang lahat, dumami ang sinehan nila pagkatapos na lang ng festival, malalakas pa rin naman ang kalaban. Paanong basta malalampasan na lang niyon ang record ni Kathryn? Maliban na lang kung ang nagsasabi niyan ay “solid Daniel” o baka naman fans ni Andrea Brillantes?

Natatawa na lang kami eh. Ano ba talaga ang totoo nanang?

Hindi na natin maipambobola iyang box office. Computerized na ang takilya ngayon at nakikita ng tao sa labas kung ilang upuan na ang may laman, wala namang SRO. Tigilan na ang padding 2024 na, ginyera na ng Russia ang Ukraine, may giyera na rin sa Israel, natutuyo na ang Euphrates river, baka nga malapit na ang katapusan, tapusin na rin iyang padding na iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelika Santiago

Paggawa ng teleserye na-miss ni Angelika Santiago, mapapanood muli sa “Born to Shine”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NALAMAN namin ang ilan sa mga pinagkakaabalahan lately ng Kapuso …

Tony Labrusca Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Tony Labrusca, happy na makatrabaho sina Yuki Sonoda at Kelley Day sa “All About Her”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tony Labrusca na masaya siya sa bago niyang …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …