BAKIT nilalait-lait nila si David Licauco kung nalaman man nila na nanonood iyon ng mga palabas ni Maria Ozawa? Ano ang masama kung nakapanood man siya ng porno? Natural na lang iyon sa panahon ngayon at sino bang lalaki ang hindi nakapanood kay Maria Ozawa. Mga bakla lang ang hindi dahil ang pinanonood nila ay mga lalaking naghuhubad.
Isa pa ano ba ang mas nakahihiya iyong nakakapanood ka ng mga naghuhubad sa porno o iyong ikaw mismo ang naghuhubad at gumagawa ng porno? Kung iyong mga naghuhubad mismo at nagbibilad ng kanilang mga private part hindi nahihiya eh, iyon pa kayang nanonood lang?
Minsan matatawa ka na lang eh. Iyong mga naghuhubad sa pelikula at nagbibilad ng kanilang mga private part pinupuri nila. Iyong mga gumagawa ng video na nagse-self sex at ibinebenta iyon sa internet, pinapalakpakan nila at binibili pa nila ang mahahalay na video.
Tapos iyong nakapanood lamang nilalait nila?