HATAWAN
ni Ed de Leon
HINDI na nga siguro maaaring magkaila ngayon si Kylie Padilla na may boyfriend na siya matapos makipaghiwalay sa dati niyang asawang si Aljur Abrenica. Ayaw pang magsalita ni Kylie tungkol doon bagama’t sinasabi naman niyang masaya na siya ngayon. SIguro nga hindi pa siya handang ipakilala ang kanyang non-showbiz boyfriend.
Pero may mga sumisingaw nang information na ang boyfriend daw ni Kylie ay isang sikat na tattoo artist na may sarili ring tattoo shop.
Nakita pa sila ng isang netizen na magkasamang nagsa-shopping sa isang mall noong isang gabi at nakunan sila ng pictures. Hindi pa rin maliwanag ang identity ng boyfriend ni Kylie pero ngayong may mga picture na iyon na kumalat sa social media, madali na iyang ma-identify.