ni Ed de Leon
MAGANDA ang naisip ng isang male starlet nang dumami na ang mga member ng kanyang fans club. Unti-unti na niyang inaamin sa kanila ang kanyang mga pagkakamali. Sa ganoon nga naman hindi na mabibigla ang mga iyon kung kumalat man ang hindi magandang kuwento tungkol sa kanya.
Mukhang alam na ng kanyang fans ang pagiging “car fun boy” niya kaya kung sabihin nila,“wala na kaming pakialam sa sideline niya hindi naman namin maibibigay ang kinikita niya roon.” Isa pa naiintindihan din naman nila na maliit lang ang bayad sa male starlet kahit na sa events na kanyang sinasalihan. After all, wala naman siyang naipakikita kundi ang kanyang pagsasayaw na halos paulit-ulit lamang.
Maliit lang din naman ang bayad sa kanya sa mga gay series dahil hindi naman siya bida sa mga iyon. Ni hindi nga siya isa sa mga bida, talagang support lang siya.
Naunahan pa siya ng mga mas baguhan sa kanya na mas nagustuhan ng fans.
Siguro naisip niyang kaysa magpanggap siyang “good boy” aminin na niya ang kanyang baho unti-unti at kung magustuhan pa rin siya ng fans sa kabila niyon, ok lang.
Pero nakikiusap daw siya sa fans na pinagsabihan niya ng totoo na huwag nang pag-usapan ang mga sikreto niya. Ewan lang namin kung totoo nga dahil sinasabi raw niyang kung siya ang bida, handa siyang ipakita ang lahat sa isang gay series pero may maipagmamalaki ba naman siya?
Duda namin ay wala naman.
Kawawa rin naman siya, ambisyon naman talaga niya na maging artista at may hitsura naman siya, iyon nga lang kulang siya sa talent at basta nakaharap na rin siya nang personal halata rin naman ang kabadingan niya.