HATAWAN
ni Ed de Leon
ILANG araw na ring sinasabing nawawala ang aktres na si Azenith Briones.
Ayon sa balita, dinukot daw si Azenith ng mga hindi kilalang suspects sa kanya mismong tahanan. Hindi rin maliwanag kung ano ang maaaring maging motibo ng mga gumawa niyon.
Wala namang nagsabi na may tumawag na sa kanila o humihingi ng ransom o ano mang palatandaan na ranson nga ang kailangan ng mga dumukot sa kanya. Wala rin namang sinasabing kagalit o kaaway si Azenith na makakaisip na ipadukot siya. Wala rin namang may sapat na motibo para ipapatay siya, bagama’t marami sa kanyang mga kaibigan ang natatakot na baka kung ano na nga ang nangyari sa kanya dahil walang trace, na delete ang kanyang social media account at hindi rin daw niya sinasagot ang mga tawag sa kanya sa cellphones.
Umaasa rin kami na wala namang nangyayaring masama sa kanya, napakabuting tao ni Azenith para pag-isipan ng masama ng kahit na sino.