HATAWAN
ni Ed de Leon
KAHIT na sabihing kung ano-ano ang bashing na inaabot nila lately, nagbigay ng statement si Leren Mae Bautista na si Ricci Rivero ay dumating sa kanyang buhay “at the right time,” at wala silang kailangang ipaliwanag kanino man tungkol sa kanilang relasyon sa ngayon.
Ganoon din naman ang sinasabi ni Ricci. Kaya sa palagay namin, talagang matibay na nga ang kanilang relasyon, lalo na’t sinabi na rin na tinanggihan na rin niyang makipag-reconcile kay Andrea Brillantesnang ilang ulit, kaya siya sinisiraan niyon.
Dapat hayaan na silang dalawa sa kanilang relasyon, huwag na silang guluhin, tutal naman hindi na rin magkakabalikan sina Andrea at Ricci ano man ang sabihin nila.
Kung naka-move on man agad si Ricci, basta ba wala silang ginugulo at wala silang tinatapakan dahil talaga namang split na sila ni Andrea nang magkaroon siya ng syota, ano ang problema?