Thursday , June 4 2026
Hataw 20th anniv

Hataw patuloy na humahataw, 20 taon na

HATAWAN
ni Ed de Leon

HOOY. Hindi namin namamalayan nakaka-20 years na rin pala kami sa Hataw. Parang kailan lang ano, at iisipin ba ninyo na ang Hataw ay magsu-survive sa kamalasan ng pandemya?

Iyong ibang mga kasabayan namin na sinasabi noong araw na matitibay nagsipagsara na lahat, at ang mga diyaryo nila ay balutan na lang ng tinapa ngayon. Iyong iba naman nagba-blog na lang tuloy, kasi wala nang diyaryong masulatan. Iyong ibang mga balasubas na diyaryo, maaari kang magsulat pero hindi ka babayaran. Pero rito sa Hataw tuloy ang ligaya, at may natatatanggap pa rin kaming “additional” kung Pasko. 

Sayang wala na si Boss Jerry Yap, pero nasaan man siya, alam naming masaya siya dahil kahit na nawala siya nagpapatuloy ang iniwan niya, at gaya ng pinanindigan niya, ang Hataw ay humahataw pa rin at hindi pa nababahiran ng mahika ng peryodismo. Na kung sabihin nga ni JK Labajo ay “nakaka….ina.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …