HATAWAN
ni Ed de Leon
INAMIN daw ng isang male starlet sa isang kuwentuhan na naging boyfriend niya ang isang showbiz personality na hindi naman artista.
Ang tanong ng isang reporter na nasa umpukan, “ano naging boyfriend ka niya?”
Ang sagot daw ng male starlet ay, “hindi, siya ang naging boyfriend ko.”
Inamin na ng male starlet na siya ay bading din at nagkagusto nga siya sa isang showbiz netizen, at inaamin niyang nagkaroon sila ng relasyon at sa relasyong iyon, siya nga ang lumalabas na gay.
Pero split na raw naman sila, inamin din niyang ngayon ay may karelasyon siyang isang rich gay na siyang nagsusustento sa kanya, at sa relasyon ay siya ang tumatayong lalaki. Paanong nangyari iyon eh sinabi na niyang gay siya?
“Ako ang gay kung gusto ko ang karelasyon ko. Kung hindi naman at siya lang ang may gusto sa akin, ako siyempre ang lalaki at siya ang gay,” sabi pa raw niyon. Ang gulo ng sexuality ng batang iyan.