Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards
Alden Richards

Alden ‘di na tinatao pelikula nanganganib

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATATAKOT kami para sa pelikula ni Alden Richards. Noon kasing isang araw ay nagkaroon sila ng isang mall show sa isang mall malapit lang sa amin. Hindi naman kami nanood ng kanilang mall show pero sa obserbasyon namin, hindi ganoon karami ang mga taong nanood sa Atrium ng mall. 

Doon sa harap ng stage may mga tao, pero roon sa ibang levels ng mall wala na. Hindi kagaya ng iba na hanggang sa itaas may mga nakadungaw sa ginaganap na show sa ibaba.

Epekto na kaya iyan ng sinasabi ng AlDub Nation na boycott sa mga solo project at susuporta lamang sila kung AlDub ang magkasama? Noong gumawa ng pelikula si Alden kasama si Kathryn Bernardo ay walang ganyang boycott, at saka naroroon ang full support ng KathNiel fans. Eh ngayon may boycott at aminin naman nating matagal ding walang project si Julia Montes, ano nga kaya ang kalalabasan? 

Basta noong Lunes at Martes doon sa pareho ring mall, hindi nagpapasok ng libre sa mga senior citizen sa ibang mga pelikulang palabas, nakalibre lang ang matatanda roon sa pelikula ni Kathryn, at next week pa raw puwede ang mga senior citizen sa iba. Ibig sabihin, sinasamantala pa ng mga sinehan ang kikitain nila sa malalakas na pelikula, kaya nag-aalok lang sila ng discount sa seniors, hindi libre gaya ng dati. Libre lang sila sa pelikula ni Kathryn. Ano kaya ang ibig sabihin niyon?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …