Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arkin del Rosario

Arkin del Rosario bumigay na

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGULAT kami sa ilang pictures na lumabas sa internet, iyong si Arkin del Rosario na dating dancer at member ng boy band na  XLr8 ng Viva, at nakasama pa sa Star Circle ng ABS-CBN, na noon ay malinis ang image, aba nakasuot na lang ng brief sa kanyang pictures. Hindi siya kinuhang endorser ng underwear. May ginawa na rin pala siyang gay series na ipinalalabas sa internet.

Talaga bang sa ngayon ang mga lalaki para makuhang artista ay kailangan nang maghubad, gumawa ng seryeng pam-bading  at kung minsan kailangan pang magbuyangyang ng ari?
            

Nagulat kami kasi iyang si Arkin, may hitsura naman at kahit na noon na wholesome ang kanyang image marami na rin naman siyang fans. Ang kailangan nga lamang ng batang iyan ay break. Pero siguro may mga nakausap siyang nagsabi sa kanyang kung hindi siya makikipagsabayan sa mga gay series sa internet hindi siya sisikat. Sayang na bata, may hitsura naman at may talent. Lumalabas na rin iyan sa mga tv drama eh at mahusay naman. Ngayon kung masasadlak na lang siya sa seryeng pambading sa internet, at maghuhubad na lang nang maghuhubad, ano pa nga ba ang kinabukasan niya?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …