Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Frankie Pangilinan Pura Luka Vega

Frankie nagtatalak na naman, ipinagsigawang mali paghuli kay Pura Luka Vega

HATAWAN
ni Ed de Leon

UMARYA na naman ng talino-talinuhang si Frankie Pangilinan. Mabilis na namang nag-post sa social media na mali raw ang ginawang paghuli kay Pura Luka Vega. At tapos may parinig pa siyang ang bilis-bilis naman nilang nagdemanda.

Linawin natin isa-isa. Hinuli si Pura Vega Luka hindi dahil sa ginagawa niyang drag performance kundi dahil ginawa niyang katatawanan ang pananampalataya ng ibang tao. Tama ba namang sayawin ng ganoon ang Ama Namin at nagsuot pa siya ng abito ng Nazareno? Iyon ang dahilan kung bakit naghain ng demanda laban sa kanya ang Hijos de Nazareno Central. Pero maliwanag din naman ang statement ng Hijos, hindi naman nila hangaring umabot sa ganyan at ipakulong si Pura. Ang gusto lang nila ay aminin niyon ang pagkakamali at humingi ng tawad.

Aminin lang niya ang pagkakamali at humingi siya ng tawad, maaari ba namin siyang hindi patawarin eh iyon ang utos ng Diyos. Sasamahan pa namin siya sa simbahan ng Quiapo para sa harap ng mga Pari at ng Senyor ay aminin niya ang kanyang pagkakamali. Tapos kakalimutan na namin ang kaso, eh mayabang pa eh at sinasabing wala siyang ginawang pagkakamali. Iyang mga ganyang tao mahirap kausap iyan, kailangan umiral ang batas diyan,” sabi pa ng mga Hijos.

Kung nagtanong lang din si Frankie sa tatay niya na isang abogado, dapat nalaman niyang normal iyong basta hindi mo sinipot ang piskalya ay iaakyat na iyan sa korte. 

Nalaman din sana niya na ang bintang ay isang kasong criminal kaya natural maglalabas ang korte ng warrant of arrest at magtatakda ng piyansa, kung hindi siya makapaglagak ng piyansa makukulong siya habang dinidinig ang kaso, kung masintensiyahan naman siya, babawasin ang mga araw na nakakulong na siya sa sintensiya sa kanya. Eh walang alam sa batas, tumalak agad si Frankie na mali ang paghuli kay Luka.

Isa pa, iyang si Frankie, gaya rin naman ng buong pamilya nila ay mga born again, natural hindi nila pahahalagahan ang pananampalatayang Katoliko. Pumasok lang naman sa simbahan si Kiko Pangilinan noong nagkakampanya eh. Inikot nila ni Leni Robredo ang halos lahat ng simbahan.

Kung sa tingin ni Frankie unfair ang pagkakahuli kay Pura Luka Vega, ‘di sana piniyansahan na lang niya iyon nang hindi nakulong. Lalabas pang bida siya sa mga bakla. Eh iyang nagtatalak na naman siya sa social media, kaya ba niyang salubungin ang sasabihin ng mga basher? ‘Di sa halip na makakapag-rehearse na ang nanay niya para sa concert niyon, maaabala na naman sa pagtatatanggol sa kanya sa mga basher at mapapa-away na naman, tuloy pati ang nanay niya nagiging antipatika kung minsan.

At ang masakit, pero nakakatawa ring nakita namin sa social media, pinagtabi ang litrato nila ni Pura Luka Vega at sinasabing kinakampihan niya dahil magka mukha na sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …