Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item, woman staring naked man

Batas laban sa mahahalay na panoorin madaliin

HATAWAN
ni Ed de Leon

DAPAT nang bilisan ang pag-aaral ng Kongreso sa panukalang batas na isasailalim na sa MTRCB Classification pati ang mga panoorin sa internet. Maraming mahahalay na pelikula at serye na dahil hindi nga maipalalabas sa mga sinehan at sa free tv, idinadaan nila sa internet. 

Masyadong mahahalay na ang mga palabas sa internet, lalo na ang mga porno at video scandal na mailalabas din doon, at napapanood maging ng mga menor de edad.

Nakalulungkot nga lang na naisipan ni Kiko Pangilinan noong siya ay senador pa na bigyan ng proteksiyon ang mga kabataan laban sa criminal prosecution, kahit na nga nakagawa sila ng krimen. Hindi niya naisipang bigyan sila ng proteksiyon laban sa mga mahahalay na panoorin. Hindi lamang mahalay ang mga iyon para sa mga bata, marami sa gumagawa ng kahalayan sa internet ay mga bata pa, mga bagets at diretsahan ang pagbibilad nila ng katawan at pag-aalok noon sa mga bibili. 

Magbukas ka ng social media at tatambad sa iyo ang mga salitang, “gusto ninyong mag-avail ng vidjacks ko.”

Dapat iyang mga social media platforms nakokontrol ng NTC. Noon may ginawa sila, nang i-ban nila ang Canadian porno site na PornHub sa PIlipinas. Pero sandali lang iyon dahil may nagamit na application na naililigaw ng user ang computer para palabasing wala sila sa Pilipinas, kaya nabubuksan din nila ang porn hub. Bukod doon marami ang nagtayo ng tinatawag nilang private chat groups na naipakakalat din ang mga malalaswang panoorin. May mga chat group na libre lang, mayroon namang kailangang magbayad ka para makuha mo ang kanilang link at mabuksan mo iyon. Ang masama hindi nila kontrolado ang edad ng mga pinapapasok nila sa mga chat groups na iyan.

Kung hindi magmamadali ang Kongreso sa isang batas na pipigil sa mga malalaswang panoorin, pagdating ng araw pagsisisihan nila iyan, ang Pilipinas ay magiging isang mahalay na bansa at basta nagtagal iyan, para na rin mga squatter ay hindi na nila ma-control.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …