Thursday , June 4 2026
Trina Candaza Carlo Aquino Mithi

Problema nina Carlo at Trina ‘di dapat maipasa kay Mithi

HATAWAN
ni Ed de Leon

MABILIS ang reaksiyon ni Trina Candaza nang magharap ng kaso sa korte si Carlo Aquino na humihingi ng karapatan sa kanilang anak na si Mithi. Palagay namin natural lang ang reaksiyon ni Trina dahil hindi lang naman siya ang biglang iniwan ni Carlo kundi pati ang anak nilang si Mithi. 

Ngayon idedemanda  pa siya para utusan sa pamamagitan ng korte na ipahiram sa kanya ang kanilang anak? In fairness kay Carlo, hindi naman niya hiningi ang custody ni Mithi, dahil alam niyang imposible iyon sa ilalim ng batas, at natural sasabihin ni Trina ang katotohanan na sila ang iniwan ni Carlo dahil nagkaroon iyon ng bagong syota.

Ewan kung saan din hahantong ang kasong iyan. Pero kung iisipin ni Trina, dapat pabayaan niyang madalaw man lang ni Carlo ang anak nila. After all, kailangan din naman ng isang bata ang pagtingin ng kanyang ama. Maaaring may kakayahan naman si Trina na buhaying mag-isa si MIthi, pero hindi niya maibibigay ang pagmamahal ng isang ama na kailangan din naman niyon. 

Ang hindi pagkakasundo ng mag-asawa ay hindi dapat dalhing problema ng mga bata.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …