ni Ed de Leon
NAKATATAWA ang isang female star, kinukulit niya ng tanong ang isang showbiz gay na alam niyang naka-date ng isang poging singer kung magkano ang ibinayad noong naka-date niya. Nang tanungin ng showbiz gay kung bakit, mabilis ang sagot ng female star, “babayaran ko siya ng mas malaki kaysa ibinayad mo para sa akin na lang siya makipag-date.”
Hindi nagawang magalit ng bakla, ang nadama niya ay awa para sa female star, maganda naman iyon at bata pa, pero sinasabing ok lang sa kanya na magbayad ng lalaking makikipag-sex sa kanya.
Nympho nga kaya ang babaeng iyan na bata pa lang noon ay “oversexed”na talaga? Actually kaya raw iniwasan na rin iyan ng ex niya ay dahil sa sobrang takaw niya sa sex na hindi naman maibigay sa kanya ng kanyang ex, na may mga takdang araw na hindi dapat makipag-sex dahil sa kanyang trabaho.