ni Ed de Leon
NAKAGUGULAT ang kuwentong narinig namin, may isang male star na lumapit sa isa niyang kaibigan dahil gipit na gipit siya noon at medyo malaking halaga ang kailangan niya. Ang naging payo sa kanya, kung kailangan niya ng malaking pera at mabilisang deal, makipag-deal siya sa mga bading tutal pogi naman siya, at maraming magkaka-interes sa kanya.
Ngayon ginagawa na ngang sideline iyon ng male star, pero maingat pa rin siya dahil ayaw nang mabuko na marami ang sideline niya.
Naisip din niya mas malaki ang kita niya sa sideline kaysa ibinabayad sa kanya sa taping na maghapon sila sa set. Sa sideline mga isa o dalawang oras lang pera na, hindi pa siya pagod at mas malaki pa ang kita.