ni Ed de Leon
GALING si Male star sa isang supposedly ay mabuting pamilya. Ewan kung kulang ang kanyang kinikita para sa mga gusto niyang bilhin o dahil sa sexual preference na rin niya talaga.
Kaya madalas din siyang guest sa mga exclusive gay parties.
At alam naman ninyo iyang mga gay parties na ganyan, basta nagkasingan na, o nagkabangaan na, ipapa-raffle na nila ang kanilang guest, at iyon namang guest kasama na sa usapan at bayad sa kanya iyong sasama siya sa raffle winner.
Alam kaya ng parents ng male star ang kanyang “sideline?”
Itsinitsismis siya ng mga car fun boys, na natural galit sa kanya dahil nakiki-agaw pa siya sa kanilang raket.