Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame

Show ni Willie posibleng ipalit ng GMA sa Eat Bulaga

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANO babangga na naman si Willie Revillame sa TVJ? Aba ilang ulit na ba silang nagbanggaan at  walang nagawa ang show ni Willie sa ABS-CBN kundi dumikit lang ng kaunti sa Eat Bulaga.

Ngayon sa palagay namin, kahit na totoong sa PTV 4 nga lang lalabas ang kanyang show, kaya naman siguro niyang ilampaso ang Eat Bulaga pero mahihirapn siya sa TVJ. 

Tingnan ninyo kung ano ang nangyari sa It’s Showtime sa kabila ng matinding suporta ng GMA. Ngayon paano pang makapagbibigay ng bahay at lupa si Willie eh nilayasan na niya ang mga Villar na siya niyang matinding sponsor noong araw sa kanyang mga papremyo?

At baka hindi niya nahahalata ang labanan ngayon, pera. Iyong Eat Bulaga kahit na nalulugi namimigay pa rin ng pera, hindi uubra ang jacket-jacket lang diyan ngayon.

At saka isipin ninyo iyang Eat Bulaga, ipinagyayabang pa ni Paolo Contis na 25 minutes na raw ang commercial nila ngayon eh talagang lugi nga iyan kasi bilang blocktimer, ang binabayaran nila ay 15 minutes per hour. Eh dalawang oras at kalahati sila, tapos 25 lang ang commercial nila. Aba eh ‘di kulang pang pambayad sa airtime. 

Kung magpapatuloy iyang ganyan, hindi na makababayad iyan sa  GMA, na siya namang hinihintay ng Showtimepara makalipat sila sa Channel 7.

O baka naman iyon ang hinihintay ni Willie, ang masibak na ang Eat Bulaga at saka naman siya papasok ng collab sa GMA para ipasok ng kanyang show. Kung ganoon ang plano niya mas may pag-asa. Pero kung sa PTV 4 siya, magkandirit man siya sa show niya walang pag-asa sa ratings iyon, at kung walang ratings walang benta, magtiyaga na lang siya sa You Tube may kita pa siya. 

Posibleng ibigay sa kanya ng GMA ang noontime slot kung tuluyan na ngang mapapatalsik ang Eat Bulaga. Alam din naman ng GMA ang batak ni Willie, umalis nga lang iyon sa kanila sa paniwalang mas aasenso siya sa mga Villar na nakagugulat naman talaga ang mga plano noong una pero kaput pala.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …