ni Ed de Leon
INAMIN ng isang male starlet na siya nga ang lumabas sa isang mahalay na gay series at nagpakita siya ng kahalayan doon.
Pero sabi nga ng mga nakapanood, mukhang sanay na siya sa kahalayan.
Oo naman kasi bata pa lang iyan talagang sumasama na kung kani-kaninong bakla basta mababayaran lang siya sa presyong gusto niya eh. At saka kaya lang gusto niyang maging artista, para mas masingil niya nang mahal ang mga gustong maka-date siya.
At saka itinanggi ba naman niyang bakla rin siya? Ang sinasabi niya bisexual siya, pero marami ang nagtataka bakit mga bakla lang at kung minsan mga lalaki ang date
niya? Pineperahan niya ang mga bakla tapos ibinibigay naman niya sa lalaki. Ganon ba ang bi?