ni Ed de Leon
ISANG “car fun boy” ang naka-istambay daw sa Newport sa Pasay na naroroon din ang Marriott Hotel. Nagbabakasakali siyang may kakilalang babaeng pupunta sa GMA Gala at ang balak niya ay sumama dahil sa paniwalang marami siyang makikilala sa loob.
Sabi ‘yon ni car fun boy na mag-aartista noon pa man, kasi hindi naman siya tinutulungan talaga ng mga nangako sa kanyang ipapasok siya sa showbiz. Kung naging artista nga naman iyan hindi na nila makaka-date.
Hanggang walang katuparan ang kanyang ambisyon, mananatili pa rin siyang isang car fun boy, na naka-date nila at nakukunan pa ng video.