ni Ed de Leon
NAALALA namin ang kuwento ng isang male star na noon ay bini-build up ng isang network. Dahil tiwala, hinayaan niya ang isang fan sa loob ng kanyang dressing room. Hindi niya alam na habang nagsa-shower pala siya kinukunan na siya ng video niyon gamit ang isang cellphone.
Ang masakit pa kumalat iyon sa internet kaya nagkaroon siya ng scandal na nakasira sa kanya. Hindi na itinuloy ng network ang pag-build up sa kanya. Ngayon ay hindi na siya artista at nag-aahente na lang ng condo at insurance.
Sayang ang career ng bata. Kung hindi nga lang sobra ang kanyang tiwala, sana hindi nangyari ang ganoon.