HATAWAN
ni Ed de Leon
NAGKUKUWENTO ang isang male starlet tungkol sa isang bakla. Noon daw hindi pa niya iyon pinapatulan napakabait niyon sa kanya.
Ibinibili siya kung ano ang gusto niya, binibigyan pa siyang lagi ng pera. Kaya naman daw nang minsang mangailangan siya talaga, naisip niyang pagbigyan na lang ang bakla tutal mabait iyon sa kanya.
Naging madalas na ang kanilang pagkikita, at lagi ngang may nangyayari sa kanilang dalawa. Umabot pa raw sila sa pagkuha ng bakla ng kanyang mga picture na hubo’t hubad, at pagkuha rin ng video niya. Okey lang naman daw sa kanya dahil mabait nga ang bakla.
Hanggang sa dumating ang panahon na may nakita na iyong iba. Hindi na raw siya pinapansin, hindi naman siya maka-angal dahil alam siyang marami siyang pictures
at video na nakahubad na hawak ng bakla at pwedeng ikalat kung awayin niya.
Eh kung hindi ba naman siya tanga, bakit pumayag siyang makunan pa ng pictures at video?