Sunday , November 17 2024
Eat Bulaga its showtime

It’s Showtime posibleng ilabas din sa GMA

HATAWAN
ni Ed de Leon

UMUGONG ang espeklulasyon ng mga blogger na malaki ang posibilidad na i-work out na ilipat naman sa GMA 7 ang It’s Showtime, matapos magdesisyon ang TV5 na alisin iyon sa noontime at ilipat sa isang delayed telecast para bigyang daan ang bagong show ng TVJ.

Natural ang desisyong iyon ng TV5 dahil tiyak na mas malaki ang kikitain ng network sa TVJ kaysa Showtime, lalo na’t sinasabi ngang 80% ng advertisers ng Eat Bulaga ay nagsabi nang sasama sila sa TVJ. Iyong natitira pang 20% tiyak iyon wait and see muna pero malamang sa hindi sumama rin iyan sa TVJ.

Sa ganyang development, talo ang GMA 7, siguro nga hindi rin naman sila maaapektuhan dahil magbabayad pa rin naman sa kanila ng blocktime ang TAPE Inc. kahit na sabihing bagsak ang sales ng Eat Bulaga. Pero ang matindi, dahil bagsak nga ang Eat Bulaga, tiyak apektado rin ang afternoon programming ng GMA 7. Kung titigil na nga ang TAPE Inc. ay makukuha naman ng Showtime ang blocktime slot, angat pa rin ang GMA, kung hindi tapon na ang kanilang aftenoon programs.

At kahapon habang isinusulat namin ito ay naglabas ng statement ang ABS-CBN at inihayag nilang mapapanood na ang It’s Showtime sa GTV simula July 1, Sabado.

At kung ang iisipin nga ng GMA ay mapanatili kahit na paano ang kanilang kita at ang audience standards ng kanilang network, baka nga kunin na nila ang It’s Showtime dahil talaga namang bulagta na sila sa Eat Bulaga ng TAPE. Ni hindi na nila pakikinabangan iyon sa kanilang promo, kung may Showtime sila magagamit pa nila iyon sa promo  nila at baka mapasikat pa ang kanilang mga starlet, after all may mga artista na rin namang wala talagang name pero sumikat dahil sa Showtime, hindi nga lang siguro kasing sikat ng AlDub pero at least sumikat. Eh ngayon sa Eat Bulaga ang mga artista nila nababalolang sa dami ng bashers.

Iyon ang kailangang isipin ngayon ng GMA Kung posible bang makuha nila ang Showtime sa GMA para may ilaban naman sila sa show ng TVJ at huwag mabalolang ang kanilang afternoon slots.

Pero sa totoo lang ang nakikita naming saving grace para sa GMA ay makuha nga nila ang Showtime. Mahina rin kasi sila sa

production ng noontime show. Hindi ba marami na rin silang ginawa noon na hindi rin naman nag-click. Kahit na totoo pang makukuha nila sina Aiai delas Alas, Randy Santiago, at Bayani Agbayani bilang kapalit nina Paolo, Betong, at Buboy. Palagay namin hindi pa rin uubra.

Itigil na lang nila iyang Eat Bulagta nila.

About Ed de Leon

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …