Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall herbal products

Ex-OFW na umuwi ng bansa for good, Krystall herbal products, kaagapay nila ni misis sa buhay at kalusugan

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po ay isang dating overseas Filipino worker (OFW) na ngayon ay umuwi na ng bansa para rito na magtrabaho nang sa gayon ay kapiling ko ang aking pamilya.

         Ako nga po pala si Reynaldo Bustamante, 48 years old, may tatlong anak, nag-iisang anak na babae na siyang panganay, at dalawang lalaki na ang bunso ay may special needs.

         Ngayon po, ako ay self-employed sa aming maliit na tindahan ng bigas, mantika, at asukal. Kapag Nakatapos na si misis ng mga gawain niya sa umaga, siya naman ang tatao sa tindahan, at ako naman po ay magra-rider.

         Awa po ni Yahweh El Shaddai, nakararaos po kami at nakapag-iipon para sa pangangailangan sa pagte-therapy ng aming bunso.

         Mahirap po, pero kapag determinado at may nais marating gumagaan din po ang aking pakiramdam. At ang katulong po namin ni misis para sa paggaan ng pakiramdam ay ang Krystall Herbal Oil ng FGO.

         ‘Yan po ang panghaplos namin ni misis sa mga sumasakit na bahagi ng katawan at kasu-kasuan. Sinasabayan po namin ng Krystall Vitamins B1B6 dahil alam namin na kailangan ‘yan sa araw-araw.

         Kapag nakararamdam kami ng constipation dahil siguro sa stress, gagawa po agad si misis ng CPC o ang napakahusay na carrot-potato-camote blended mix. Kapag iniinom namin ‘yan, feeling po namin detox na detox ang aming small intestines and colon.

         Kapag medyo, feeling matatrangkaso naman, nandiyan ang Krystall Nature Herbs, na iniinom namin, 2 hours after breakfast and 2 hours after dinner.

         Ay talagang napakainam pong kasama sa bahay ang inyong mga produkto, pampamilyang-pampamilya.

         Muli, maraming salamat po Sis Fely. Dalangin namin na kayo’y patuloy na patnubayan ng

Panginoon sa inyong araw-araw na gawain.

         Mabuhay po kayo!

REYNALDO BUSTAMANTE

Ex-OFW, Quezon City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …