ni Ed de Leon
TUWANG-TUWA raw kahapon ang isang male star kasi mukhang nabalik na naman yata sa puwesto ang dati niyang “Benefactor.” Ibig sabihin, baka mabalik na ang sustento niyang naputol. Makakapamuhay na naman siya nang sagana at may pangsustento na siya sa anak niya sa isang female bold star na nabuntis niya.
Pero babalikan pa ba siya ng dati niyang “benefactor” eh may kabit pa siya? Hindi bale noon ang kasama niya tunay niyang asawa, eh ngayon kabit iyan eh, papayag ba ang “benefactor “ na masabing siya ay “second mistress lamang?
Isa pa, mukhang branded na ang male star na malas sa political career ng kanyang mga “Benefactor.”