HATAWAN
ni Ed de Leon
NAROROON kami noong launching ng plakang Baka Puwede Na ng baguhang singer na si Lizzie Aguinaldo. Ginawa niya iyon para sa Star Music. Ang composer at direktor ng pelikula na si Joven Tan ang gumawa ng kanta.
Sa panahong ito sinasabing uphill ang labanan sa music industry. Napakahirap talaga dahil sa talamak na piracy. At bukod nga roon, hindi rin masyadong makakilos ang Star Music simula nang mawalan ng prangkisa at masara ang ABS-CBN. Ang promo nila na dati ay napakalakas sa radyo at telebisyon nila, ngayon ay wala na at puro na lang sila sa social media. Nagiging
dahilan pa iyon ng piracy dahil oras na lumabas sa social media, naida-download iyon na isang porma rin ng piracy. Sino pa ba ang bibili kung may makukuha namang
pirated copy?
Isa pa, sa tingin namin dahil sa kagandahan ni Lizzie mukha ngang mas bagay siyang maging isang artista kaysa singer. Mas
malaki ang chances niya kung mag-aartista siya.
Hindi naman malayong mangyari ang ganoon dahil kasama na nga niya si direk Joven. Bukod doon, mukhang may kinalaman din naman ang mga magulang niya sa isang pelikulang ginagawa sa ngayon.
Kung kami ang tatanungin, mas mabuging gawin nilang artista si Lizzie, malakas ang kutob namin na mas sisikat siya bilang artista.