TALAGANG pinangatawanan na nga ng isang male star ang kanyang pagsa-sideline sa mga bading.
“Eh ano ang gagawin ko tumatanda na rin ako, pangit na ako. Hindi ko pa ba iisipin na pakinabangan ang hitsura ko ngayon kahit paano? Sa pelikula, magkano lang ang bayad, ang haba pa ng trabaho.
“Magsisimula ang bayad basta na-showing na, minsan hindi pa nagbabayad dahil sinasabi nalugi. Paano naman ako, eh ngayon mas malaki ang kita ko. Iyon nga lang sinasabi nila call boy ka, pero sa hirap ng buhay ngayon hindi ko na iyon pinapansin, at saka hindi lang naman ako ang gumagawa ng ganito,” sabi pa niya.