Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo Teacher Georcelle Dapat-Sy G-Force

Sarah at Teacher Georcelle magkaibigan pa rin

REALITY BITES
ni Dominic Rea

JUSMIO! Totoo bang dahil lang sa demand nilang talent fee sa Viva para sa isang concert na hindi raw nagkasundo kaya hindi nakasama ni Sarah Geronimo ang G-Force sa katatapos nitong 20th anniversary sold-out concert na ginanap last May 12 sa Araneta Coliseum? 

‘Yan lang ba ang totoo at bukod-tanging dahilan?

May tsika pang nagpadala ng demand letter ang leader at founder ng G-Force na si Teacher Georcelle Dapat-Sykay SG na kapag ginamit daw nito at mga dancer niya ang mga choreographed dance steps na pagma-may-ari nila ay maniningil sila ng P150K per dance?

Pero ang totoo ay inirerespeto naman ni TG si SG sa desisyon nitong kumawala this time sa G-Force na nakatrabaho niya for almost 16 years.

Ayon pa kay TG, magkaibigan pa rin sila ni SG kahit nitong buwang nakaraan ay tuluyan nga nilang tinalikuran ang isa’t isa.

Ayon kay TG, malaki ang respetohan nila ni SG sa isa’t isa at okey lang sa kanya ang magparaya para sa freedom niyo.

Mukhang totoo naman ang rason. Pero parang may mas malalim pang dahilan eh. ‘Di ko lang sure huh! 

Basta ang alam ko, pinasalamatan ni SG ang G-Force sa isang spiels nito during the said concert.

‘Yun na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …