HATAWAN
ni Ed de Leon
MASAYA naman ang balitang matapos na mahiwalay sa kanyang asawang si Rob Mananquil ay may bago na raw boyfriend si Maxene Magalona. Mukhang hindi naman nila itinatago iyon dahil kung saan-saan sila nakikitang magkasama na kung ‘di magka-akbay, magka-holding hands naman.
Ang sinasabing bagong boyfriend ni Maxene ay kinilalang ang DJ na si Geoff Gonzales. Pero alam naman ninyo may mga mahaderang fans na nagsasabing mas pogi raw si Rob kaysa kay Geoff. Alam naman niyo ang mga Pinoy mahilig mag-comment kahit na hindi naman nila dapt pakialaman.
Iyan pa ba ang hindi, kung iyon ngang si King Charles ng United Kingdom eh, sinasabi nilang mas bagay na queen at mas mukha sanang Queen ang yumao niyong asawang si Diana kaysa nakoronahang Queen Consort na si Camilla Parker Bowles. Eh ano pa nga ba ang pakialam nila roon eh siya ang naging asawa ng hari eh, at ano pa ang pakialam nila eh sa United Kingdom naman iyon at hindi sila apektado sa Pilipinas ano man ang hitsura ng Reyna. Pero ugaling Pinoy iyan eh.
Basta isipin na lang natin na mabuti at msaya sila sa kanilang buhay.