ni Ed de Leon
DAHIL wala ngang makuhang matinong assignment, puro mga sexy pictorial na inilalabas lang naman sa internet ang ginagawa ng isang male star. Aminado naman siya na ginagawa niya iyon dahil iba ang kanyang target.
“Kung walang makuhang trabaho, baka sideline mayroon,” sabi niya.
Matagal na namang nababalita na nakikipag-deal talaga siya sa mga mayayamang bading na kumakagat sa presyo niya. Pero ngayon, hindi na siya ganoon kasikat sa circle ng mga mayayamang bading, dahil na rin sa mga tsismis na siya ay ganoon na rin. Siyempre takot din ang mga mayayamang bading na matamaan sila ng kidlat.