Thursday , June 4 2026
Cathy Garcia-Molina Kathniel

Daniel at Kathryn susunod na nga bang ikakasal?

REALITY BITES
ni Dominic Rea

KABARKADA at katropang celebrities ang invited ni Direk Cathy Garcia-Molina sa katatapos lang nitong simpleng beach wedding kay Louie Sampano na ginanap sa Zambales. Kasama Rito sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa agawan ng bride’s bouquet at groom’s garter, pinalad man o sinadyang sina Kath at Daniel ang nakasalo nito, bonggang pinag-uusapan na ito ngayon ayon na rin sa isang video.

Ayaw pa ngang itodo-lagay above the knee ni Daniel ang garter kay Kathryn kaya naman pinutakti ng kantiyaw ang aktor at napabungisngis na lang si Kathryn.

Simbolo na raw ba ito na susunod na sa pagpapakasal sina Daniel at Kathryn? 

Ayon naman kay Karla Estrada, tuwang-tuwa siya noong makita ang viral video at sinabi nitong tanging sina Kath at Daniel ang makapagsasabi kung kailan nila gustong magpakasal at kung ano-ano ang magiging plano nila sa buhay. Nasa tamang edad naman daw ang dalawa. 

Halatang sa komento ni Karla ay handa na rin ito para sa kaligayahan ng kanyang anak. 

Well, ang maganda rito, both parties o parents ay sumusuporta sa dalawa mula noon hanggang ngayon. 

Susunod na ba talaga sina Kath at DJ? What year kaya? Saan? 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …