Sunday , April 28 2024
David Licauco Barbie Forteza

Barbie at David pilit na pinagtatambal

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG lakas ng dating ni Rayver Cruz nang lumipat siya sa Channel 7. Ewan pero iyon naman kasi ang panahong napaka-guwapo talaga ni Rayver. Hindi pa sila nagkakasama sa ano mang project, pero alam ng mga tao na syota niya sa tunay na buhay si Janine Gutierrez, at gusto ng mga tao na maging magka-love team sila.

Ang ginawa ng Channel 7, dahil malakas nga si Rayver, itinambal siya sa matagal na nilang talent na si Julie Anne San Jose.

Hindi naman kinagat iyon ng fans kaya nanlamig din ang dating ni Rayver. Nang umalis na si Janine sa GMA para lumipat sa ABS-CBN, at saka nila sinabi na sayang daw dahil may gagawin sana silang serye na magtatambal sina Janine at Rayver. Pero wala na nga. Lagi naman silang ganoon eh. Noong malakas ang dating ni Elmo Magalona, hindi ba itinambal din nila kay Julie Anne? Ano ang nangyari? 

Ilan na bang malakas na leading man ang itinambal nila kay Julie Anne? Wala rin namang nangyayari eh. Kung todo ang lipat na ginawa ni John Lloyd Cruz sa kanila, hindi kami magtataka kung ginawa rin iyang leading man ni Julie Anne. 

Ganyan naman sila eh. Hindi ba noon katakot-takot na build-up ang ginawa nila roon sa Francheska Farr?

Nasaan na ngayon? Gaano katinding build up ang ginawa nila kay Aljur Abrenica? Ang ending idinemanda pa sila. May mga magagaling gaya niyong si Mike Tan, binigyan ba nila ng build up na gaya ni Aljur?

Pareho lang naman iyong nanalo sa Starstruck. Ngayon ayan na naman sila, pilit nilang itinatambal si David Licauco kay Barbie Forteza, gayung alam naman  ng lahat na ang syota ni Barbie ay si Jak Roberto. Kakagatin pa ba ng tao sina Barbie at David? Iyon ay dahil obvious, gusto nilang mahila pataas si David. Kaya na ba ni Barbie iyon?

Basta hindi nag-click iyan, ang sisisihin pa si Barbie.

About Ed de Leon

Check Also

Innervoices

Miyembro ng InnerVoices binato ng sanitary napkin sa show

MATABILni John Fontanilla MAY unforgettable experience ang isa sa miyembro ng bandang InnerVoices, si Angelo Miguel(vocalist) sa …

David Licauco Derrick Monasterio Teejay Marquez Kiko Estrada Enzo Pineda Ruru Madrid

Ruru, Teejay, Derrick, Enzo, David, at Kiko  nagsapawan

MATABILni John Fontanilla TIMELY ang pagpapalabas ng barkada film nina David Licauco, Derrick Monasterio, Teejay Marquez, Kiko …

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Myrtle Sarrosa Kristoffer Martin Claire Castro

Myrtle bistado na, relasyon nina Kristoffer at Claire nanganganib

RATED Rni Rommel Gonzales MANAGOT na ang dapat managot dahil patuloy ang pagsabog ng katotohanan …