HATAWAN
ni Ed de Leon
WALANG inaamin si Sunshine Cruz kung siya ay may lovelife na ulit o ano, basta ang sinasabi niya masaya siya sa ngayon. Kung ano iyong nagpapasaya kay Sunshine, aba sana’y huwag nang matapos. Deserve naman niyang lumigaya. Marami na rin namang sakripisyo si Sunshine.
Naging problemado siya sa kanyang buhay may asawa. Noong nagkipaghiwalay naman siya, wala siyang nakatuwang sa pagpapalaki ng mga anak niya, na binuhay niyang mag-isa sa kanyang sariling pagsisikap. Ngayon naman tama lang na makatagpo na siya ng kaligayahan, pero ingat pa rin, baka may dala rin iyang problema pagkatapos.