Friday , May 17 2024
Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, TVJ

TVJ lilipat na nga ba at gagawa ng ibang show?

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG aalis nga ba ang Tito, Vic and Joey sa Eat Bulaga, lilipat kaya sila sa isang bagong noontime show? Ang isa pang tinatanong nila, ano nga ba ang mangyayari sa show kung totoo ngang aalis ang TVJ?

Kung kami ay kabilang sa TVJ at totoo ngang apektado kami ng sinasabi nilang “rebranding” ng Eat Bulaga, baka nga sabayan na naming magretiro si Tony Tuviera. Totoo, ngayon pa lang ay napakarami nilang offers para sa isang bagong noontime show at iyong mga dating kasama nila sa show, tiyak na sasama rin sa kanila dahil sumikat naman ang mga iyon dahil sa kanila.

Una, kung pag-aaralan ngayon ang takbo ng broadcast industry parang mahirap makipaglaban sa GMA 7, dahil sila lamang ang nananatiling may malakas na broadcast power. Ang full power capacity ng GMA ay 150KW, bukod nga sa katotohanang mayroon silang 91 provincial stations at relay. Sa ngayon ang pinakamalakas nilang kalaban ay mayroon lamang 30KW at sampung provincial relay. Iyong inaasahan nilang kalaban ng GMA, ang ABS-CBN ay wala namang prangkisa at mukhang malabo pang makabalik iyon sa free tv. Kung iyong pinakamalakas nilang kalaban ay hindi nga halos maka-ariba, eh lalo na ang isang bagong show na sa isang mahinang estasyon din naman papasok.

Kaya nga kung kami, tutal magaganda na naman ang buhay nila sa ngayon, medyo magpapahinga na muna kami sa showbusiness at pananatliin na naming isang legend kung ano man ang naabot na namin sa aming career na mahirap nang pantayan ng iba.

Ang Eat Bulaga ay isang world record holder dahil sa pagtagal on the air ng 44 years at napanatili nila iyong number one sa

loob ng panahong iyon. Medyo mababawasan ang kanyang kredibilidad kung papasok sila sa isang show na hindi magiging kasing lakas at hindi aabot ng singtagal ng Eat Bulaga na imposible na rin naman.

Pero sana maayos nila nang maganda ang kalalabasan.

About Ed de Leon

Check Also

Cassie Kim

Cassie Kim aabangang kontrabida; Andrea iniidolo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MABAIT sa tunay na buhay si Cassie Kim kaya naman sobra siyang …

Kelvin Miranda Kira Balinger Catherine Camarillo 

Direk Catherine positibong may laban Chances Are You and I sa JAIFF

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio AMINADO si direk Catherine ‘CC’ Camarillo na hindi niya inaasahang makukuha o …

Gene Juanich Star Awards

Gene Juanich waging Best Regional Broadway Actor sa 14th Star Awards for Music

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MULA sa natamong parangal ni Gene Juanich sa 14th PMPC Star …

Prince Keino Noreen Divina

Prince Keino nakiisa sa outreach program ni Nailandia owner Noreen Divina

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL matalik na magkaibigan ang Nailandia owner na si Noreen Divina at talent …

Kanta ni  Denin Sy

Kanta ni  Denin Sy naka-36k agad in a month sa Spotify

MATABILni John Fontanilla AFTER a month ay tumabo na sa 36k ang stream ng newest …