Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Reid Liza Soberano

James damay kay Liza, career maisasalba ng Viva

HATAWAN
ni Ed de Leon

KAHIT na ano ang sabihin ngayon ni James Reid, damay siya sa bashings laban kay Hope, iyong dating Liza Soberano. Ewan kung totoo, pero si James ang itinuturong nag-impluwensiya sa kanyang dating sikat na talent kaya nagsalita nang padaskol-daskol.

May pattern eh,” sabi nila. “Hindi ba si Nadine Lustre ganyan din ang sinasabi laban sa Viva noong araw nang kinukuha nila riyan sa Careless Whispers ba iyon? At iyong pinagsasabi ngayon ni Hope na dating Liza ay walang ipinagkaiba.”

Dahil diyan lalong nalulubog si James. Lugi na nga ang musicfest niya sa Cebu dahil binagyo, cancelled na siya sa US at Canada dahil wala halos ticket sales, tapos ganyan pa ang mangyayari.

Paano na ang sariling career ni James, mukhang lalo lang siyang mababalolang.

Sa ngayon, walang maipagmamalaki si James. Wala siyang pelikula kahit na isa, Wala siyang natuloy na tv series. Ni hindi siya halos makitang guest sa mga tv show, kahit na sa UNTV lang. Bagsak ang career niya, tapos nasisisi pa siya sa nakitang kamalditahan ng kanyang talents.Naku ewan kung saan pupulutin iyang si James

pagkatapos nito. Mukhang ang makapagliligtas lang sa kanya ay ang Viva

na siya ring nagligtas kay Nadine Lustre. Kahit na sa Vivamax, tumanggap na siya ng project, kaysa naman iyang ganyan na lahat ng plano niya bagsak.

Kasi naman eh, ewan kung totoo, ipinagtitirik daw siya ng kandilang itim na hugis tao sa tabi ng simbahan ng Quiapo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …