Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Erik Matti John Arcilla OTJ On The Job Missing 8

Direk Erik Matti napikon kay John Arcilla

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI maikakailang napikon ang director na si Erik Matti, dahil sa lahat daw halos ng publisidad ni John Arcilla matapos na manalong best actor sa Venice International Film Festival, hindi man lang nabanggit ang kanilang pelikula. Sanay naman daw siya talagang ganoon ang ABS-CBN lalo na noong may prangkisa pa, pero mukhang napikon siya dahil pati si John hindi man lang nabanggit ang pelikula nilang On The Job na roon siya nanalo ng award.

Magiging best actor ba siya kung walang pelikula,” sabi ni Erik Matti.

Naalala tuloy namin, nakuha ng Star Cinema na suibsidiary ng ABS-CBN ang distribution noon ng pelikulang The Janitor, na inilabas sa CineMalaya at ang mga artista ay sina Richard Gomez, Dennis Trillo, at Derek Ramsey. Galit sila kay Derek noon dahil biglang lumipat sa TV5.

Nang ilalabas na sa sinehan ang pelikula, wala ang pangalan at picture ni Derek sa poster ng pelikula. Inalis din ang mga eksenang kasama siya sa movie trailer. Hindi naman siya naalis sa kabuuan ng pelikula dahil siya ang main kontrabida. Pero wala siyang credits.

Parang umuulit lang ang kuwento.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …