Saturday , November 23 2024
Paul Soriano FDCP

FDCP, direk Paul dapat nang kumilos vs mahahalay na pelikula

HATAWAN
ni Ed de Leon

BAGAMAT ang may pangunahing tungkulin ng classification ng pelikula ay ang Movie and Television Review and Classification Bord (MTRCB), hindi ba magkakampanya ang ibang ahensiya gaya ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at ang presidential adviser on creative communications na si Paul Soriano para mapigilan ang mga mahahalay na pelikula na ilang taon nang puro ganoon ang ginagawa?

Parang nakahihiya na rin bilang Filipino na iyan pang mga pelikulang may kahalayan, iyan ang ipinadadala nating madalas sa mga maliliit na festivals sa abroad. Marketing strategy kasi iyang mga festival na iyan. Gagawa sila ng sex themed movies, na siyempre hindi naman sikat ang mga artista kaya mababa lang ang budget. At saka kung sikat ba talaga ang artista mapapagbuyangyang nila ng ari na ganyan.

Isasali iyan sa festivals sa abroad, at doon hahanap ng distributor ng pelikula nila. Hindi kumikita rito iyang mga ganyan eh. Kung makabola nga naman jackpot, pero sino na ba sa kanila, pati na iyong sinasabing nanalo ng awards sa mga hotoy-hotoy na mga film festival  abroad ang nakapagbenta na ng pelikula roon?

Anong pelikula ba nilang dinala sa festivals abroad ang naipalabas sa commercial theater circuits doon, o kahit na sa cable

man lang? Wala eh, inilalabas lang sila sa maliliit na preview room at ang nanonood sa kanila iyong mga kasali rin doon sa festival. Hindi naman halos pansin iyan ng publiko eh.

Iyan bang mga klase ng pelikulang ganyan ang ie-encourage ng FDCP halimbawa na patuloy gawin ng producers na Filipino?  Roon sa nakaraang administrasyon, ang sinuportahan mga indie, nakabangon ba ang industriya sa indie? Dapat ang gawin gaya ng mga pelikula noong araw na pinondohan ng Experimental Cinema of the Philippines. Iyong Himala, Oro Plata Mata at iba pa. Mas may kinabukasan ang industriya sa mga pelikulang ganoon, hindi iyang mga mumurahing pelikulang

kabastusan.

About Ed de Leon

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …