Saturday , November 23 2024
Mang Kanor Nika Madrid Emelyn Cruz Rez Cortez

Mang Kanor ‘nayari’ ng MTRCB: pagpapalabas walang permit

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAYARI si Mang Kanor. Isipin ninyo, iyong isang pelikulang pang-internet streaming inilabas sa isang commercial theater, mali na iyon eh. Walang mailalabas sa ano mang sinehan sa buong Pilipinas nang hindi dumaan sa MTRCB. Kung iyong kanilang premiere ay ginawa sa silong ng isang bahay, at doon sila nanood, walang problema. Pero inilabas nila sa isang sinehan na ipinagbabawal ng batas.

Tiyak na ang ikakatuwiran, hindi naman iyon public screening dahil “invitational lamang. Pero ewan kung lulusot ang ganoong katuwiran dahil iyon lang “premiere screening” walang ipinagkaiba iyon sa public screening, kahit sabihin pang hindi naman sila naningil, walang bayad iyon, may mga nanood niyon na wala namang kinalaman sa paggawa ng pelikula. Katunayan nagkaroon pa ng tv coverage.

Inilabas iyon sa social media, na hindi maikakailang bahagi ng kanilang promotion and advertising, kung may public promo at advertising, aba dapat pati iyan dumaan sa MTRCB at sa AdBoard.

Ngayon iyong ipagmamalaki pang lusot sila dahil hindi saklaw ng MTRCB ang internet streaming, aba eh bakit nga ba sila lumabas nang hindi naman sa internet. Kahit na sa larong step no, empol na ang tawag diyan.

Hindi mo maiiwasan na may mga taong nag-iisip kung paano maici-circumvent ang batas, pero hindi laging may lusot iyan. May pananagutan pa rin iyan.

At iyang nangyaring iyan ay isang magandang sample, para mapatunayan ang lakas ng mandato ng batas sa MTRCB. Ano ang say ni Chairman Lala Sotto?

About Ed de Leon

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …