Thursday , June 4 2026
Vice Ganda

Career ni Vice Ganda bumubulusok na?

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY tsismis kaming nasagap. Tsismis lang naman ito, hindi kami sigurado dahil puwedeng mabaliktad pa ang lahat ng pangyayari hanggang hindi sila gumagawa ng opisyal na statement.

Pero malungkot ang kuwento ng isang kakilala namin nang sabihin niyang siniguro daw sa kanya ng isang source na talo na si

Vice Ganda, talo na ang It’s Showtime, at talo rin ang TV Patrol sa isang television award giving body. Pero kung kami ang tatanungin, matatalo nga iyan dahil nasa isang estasyon naman sila na walang prangkisa para sa on the air broadcast. Ang sinabi naman ay awards sa TV, hindi sa cable at hindi sa internet.

Pero siguro kaya sila nalulungkot dahil parang sunod-sunod na dagok na nga iyan. Walang nakuhang isa mang award sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikula ni Vice.  Isa pa inilampaso pa iyon sa takilya ng pelikula ni Nadine Lustre. Sa festival, ikalawang laglag na iyan ni Vice. Nauna riyan inilampaso rin siya ni Aga Muhlach sa takilya. Tapos na ba talaga ang panahon ni Vice? Sana hindi pa naman.

Kahit paano kumikita pa naman ang pelikula ni Vice.

Nakikinabang pa rin ang ilang maliliit na manggagawa na nagtatrabaho sa kanyang mga pelikula. Kumikita pa rin doon ang ilang mga artista na hindi naman pupuhunanan ng producers nila kung sila lang at wala si Vice. Kahit na sabihin mong minamalas siya, may nakikinabang pa rin sa kanya.

Kailangan lang siguro ni Vice ng panibagong packaging at mga bagong idea. At kailangan marunong talaga lalo na sa pelikula ang magtuturo sa kanya, kung hindi nakatatakot mang isipin, tuloy-tuloy na iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …