Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Toni Gonzaga concert

Toni nakabawi sa pagkalugmok sa festival (Big Dome napuno)

HATAWAN
ni Ed de Leon

NANINIWALA naman kami na may nanood sa concert ni Toni Gonzaga sa Big Dome sa kabila ng prediksiyon ng iba niyang mga kritiko na iyon ay magpa-flop. May mga basher na nagpapakita ng tickets sa kanyang concert, at nagpapasalamat sa isang politiko, dahil iyon daw ang nagbayad ng tickets at ipinamigay lang nang libre sa mga manonood. Ganyan naman lagi ang usapan nila.

Para sa amin kasi, walang masama kung may mga sponsor na nagbayad ng libreng tickets para mapanood ang isang palabas. Maaari kasing ibig sabihin niyon hindi nga ganoon kasikat ang artist, pero isang katotohanan na may nanood sa kanya. May mga artist talaga na paborito nilang i-bash.

Hindi namin nakita ang crowd, dahil hindi naman kami nanonood ng mga ganyang concert. Pero natutuwa kami kung naging successful nga ang concert ni Toni dahil at least nakabawi siya mula sa pagkakalugmok niya sa pelikula niya sa festival. Iyong pelikula niya sa festival ay isa sa may pinakamaliit na kita. Talagang nangamote iyon sa takilya.

Pero iba-iba ang dahilan para ang isang pelikula ay mangamote sa takilya. Maaaring hindi kasi iyon nai-promote nang tama. Maaaring hindi nagustuhan ng mga unang nakapanood ang pagkakabuo ng pelikula, at kumalat agad iyon kaya wala nang nanood. Puwede ring ang tema ng politika ay walang masyadong appeal sa publiko, at lastly puwedeng ayaw nga nila sa artista. Isa o dalawa lamang sa mga dahilang iyan, bagsak na ang isang pelikula.

Kawawa ang mga artist na hindi na makabangon sa ganyan. Kasi kung hindi tiyak iyon, habang buhay na siyang tagapagmana ng mga role na naiwan ni Flora Gasser.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …