Thursday , June 4 2026
Nadine Lustre Vice ganda

Nadine naungusan na si Vice Ganda

HATAWAN
ni Ed de Leon

MUKHA ngang nagbago na rin ang box office trend maging sa Metro Manila. Nauna ngang ganyan sa mga probinsiya. May isa kaming kaibigan na nag-post ng pictures ng box office board ng isang theater chain sa isang mall na may dalawang sinehan ang pelikula ni Nadine Lustre, isa lang kay Vice Ganda, at isa sa pelikula ni Noel Trinidad.

Mayroon ding nagpadala sa amin ng pic na may tatlong sinehan ang pelikula ni Nadine at may isa si Vice.

Iyang probinsiya, hindi talaga isinasama ng Metro Manila Film Festival sa kanilang reports dahil hindi naman iyan sakop ng festival, pero kung ang pagbabatayan ay ang totoong trend, at ang katotohanan na maaaring ma-extend pa ang playdate ng mga pelikulang kumikita, wala nang makapipigil na makapag-rehistro ng upset si Nadine sa box office.

Iyan ay isang bagay na hindi nila inaasahan, dahil alam naman natin kung anong klaseng mga pelikula nga ang kumikita kung festival. Maging ang director ni Nadine, hindi makapaniwalang ganoon nga ang kinikita ng kanilang pelikula.

Samantalang iyong tatay naman ni Nadine, ipinagmamalaking napatunayan ng kanyang anak na hindi kailangang sumandal sa isang love team para makagawa ng hit. May nagsasabi kasing bumaba ang popularidad ni Nadine nang mahiwalay kay James Reid. Kasi naman noon, dalawang magkasunod niyang pelikula ang nagpahinog lang sa takilya.

Ngayon lumalaban na ang pelikula ni Nadine kahit na wala si James. Ang tanungan naman ngayon ng mga tao, kailan naman daw kaya makagagawa ng hit si James kung wala na sa kanya si Nadine? Mukhang malabo yata iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …