Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Sonia Balisbis, 57 years old, naninirahan sa Catarman, Northern Samar.
Madalas ko pong maramdaman ang pangangati ng aking talampakan at panunuyo. Kahit anong lotion ang ipahid ko ganoon pa rin. Minsan nga na-allergy pa ako sa lotion na sobrang bango.
Hanggang isang pinsan ko po ang umuwi sa probinsiya nitong nakaraang Pasko, nakatira siya sa Baclaran. Sabi niya, “subukan mo itong dala kong Krystall Herbal Oil, gawa ni Sister Fely Guy Ong, ang pinakamagaling nating herbalist.”
“Imasahe mo ‘yan sa paa mo, sa gabi bago matulog at pagkatapops maligo.” Sinunod ko po ang payo ng pinsan ko.
Noong unang gabi na i-massage ko sa paa ang Krystall Herbal Oil, nawala agad ang pangangati ng aking paa. Noong pagkatapos ko namang i-massage after maligo, naramdaman ko agad na parang nahi-heal ‘yung panunuyo.
Ngayon po, mayroon pa akong nagagamit na Krystall Herbal Oil. Sabi ko sa pinsan ko, bilhan ulit niya ako kapag uwi niya sa Baclaran.
Nagdesisyon na po akong Krystall Herbal Oil na ang gagamitin kong panghaplas sa aking balat Sis Fely dahil naramdaman kong hiyang ako, daig pa ang mga mamahaling lotion na binili ko dati.
Thank you Sis Fely sa mahusay ninyong imbensiyon na Krystall Herbal Oil — ang tunay na miracle oil.
God bless po.
SONIA BALISBIS
Catarman, N. Samar