Thursday , June 4 2026
Dr Love Bro Jun Banaag

Bro Jun Banaag nagpaalam na sa dzMM

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKALULUNGKOT nang magpaalam na sa kanyang show si Bro. Jun Banaag, o lalong kilala sa tawag na Dr. Love, na sa loob  nang mahigit na 20 taon ay narinig sa dzMM, at ngayon sa kanilang Teleradyo.

Inaamin niyang malungkot dahil ang ABS-CBN ay itinuring na rin niyang tahanan, pero kailangang tanggapin ang katotohanan na kailangan na nga silang mag-move on.

Ganyan din ang nangyari kay DJ Richard, na nang mawala ang dzMM ay nawalan na rin ng programa sa Teleradyo, mabuti na lang at nakalipat siya sa dzBB. Ngayon ganoon na rin si Dr. Love, dahil hindi na pareho ang programa niya. Iyong dati nilang oras ay pinapasukan na lang ng replay ng mga programa sa ANC, para siguro makatipid din dahil halos wala silang commercials eh, off the air kasi sila. At sabihin mo mang napapanood sila sa cable at sa Facebook at Youtube, eh ano nga ba ang audience ng social media?

Hindi naman mawawala nang tuluyan si Dr. Love, dahil ang balita ay magkakaroon siya ng program on the air sa ibang estasyon ng radio, natural hindi lang niya masabi kung saan dahil nasa dzMM pa siya.

Malungkot, pero parang sinasabi nila na talagang hindi na makakapagbukas iyang dzMM ng ilan pang panahon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …