Thursday , June 4 2026
Jovit Baldivino

Jovit gustong makapagpasaya hanggang sa huli

HATAWAN
ni Ed de Leon

SA hangad na makapagbigay ng kasiyahan, natuluyan. Ganyan ang nangyari sa singer na si Jovit Baldivino. Alam naman niya ang kanyang sitwasyon. Isang linggo na palang taas-baba ang kanyang blood pressure. Pinagbawalan na siyang magpagod, kahit na kumanta. Pero nang makumbida siya sa isang event ng isang kaibigan, nahilingan siyang kumanta. Matapos ang isa at walang tigil sa palakpakan, napilitan siyang kumanta hindi lang ng isa kundi dalawa pa.

Pagkatapos niyon muli siyang na-stroke. Umupo na lang, sumama na raw ang tabas ng mukha at tumutulo na ang laway, kaya siya isinugod sa isang ospital, at doon lumitaw na mayroon siyang aneurysm. Naayos naman iyon pero nanatili siyang comatose, hanggang sa bawian siya ng buhay matapos ang limang araw.

Malungkot na napakabata siyang pumanaw, pero sinasabi nga nila, mabait na bata si Jovit at siguro nga niloob na ng Diyos na siya ay bigyan na ng kapahingahan kaysa maghirap pa. Kung minsan kasi, tayo ayaw nating mawalay ang mga mahal natin sa buhay. Pero hindi natin naiisip na mas mabuti na ngang mawalay sila pansamantala nang hindi naman sila nahihirapan na, at hindi rin naman nahihirapan ang mga mag-aalaga sa kanya.

Nakahihinayang talagang nawalan na naman tayo ng isang napakahusay na alagad ng sining, pero iyon ang kalooban ng Diyos kaya ano nga ba ang magagawa natin?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …